Wednesday, October 22, 2008

Totoo Ba 'Yan?

Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging mapamahiin. Halos lahat ay naniniwala sa malas at suwerte. At ang iba pa nga’y, gumagasta pa ng pera para lang makabili ng mga bagay na nagbibigay ng suwerte. Ano ba ang mga iba’t-ibang paraan ng mga Pilipino ukol sa mga malas at suwerte.

Araw-araw ay hindi nawawala ang mga ibinebentang pahayagan sa kanto tuwing umaga. Ginagamit ang mga ito upang mabasa at malaman kung ano ang mga napapanahong balita. Ngunit, ang iba, sa halip na balita ang basahin, nauuna pang basahin sa pahayagan ang resulta o ang lumabasa na numero sa “lotto”. Hindi kasi minsan nakakalimutan ng ibang tao na tumaya sa "lotto outlet" bago sila umuwi sa kanilang tahanan pagkagaling sa trabaho at sila'y umaasa na darting din ang araw na mapapanalunan nila ang suwerteng matatanggap mula rito. Ang ibang tao naman, kung hindi "lotto", "horoscope" nila ang hinahanap. Naniniwala kasi ang iba dito kung ano ang posibleng mangyari sa kanila sa isang tiyak na araw. Kung sa tingin nila na malas ang nabasa sa "horoscope", pipilitin nilang baguhin ang kanilang kamalasan upang ito'y maging suwerte.


Sa mga mayayamang tao, hindi sila gaanong tumataya sa "lotto", sa halip, nagwawaldas sila ng pera upang makabili ng mga "lucky caharms". May iba't-ibang uri ng mga "lucky charms": may pampasuwerte sa negosyo; pangtaboy ng masasamang espirito; maging suwerte sa pag-ibig; at marami pang iba. 'Yan kadalasan ang binibili ng mga may kaya upang mapalayo lang sa kamalasan. Lahat ay gagawin at bibilin para hindi malas ang dumating kundi suwerte.


Alalahanin lang natin na, hindi kung anu-anong bagay o kasabihan ang nagdadala ng suwerte o malas. Kung malakas ang paniniwala't pananampalataya mo, makakamit mo ang suwerteng iyong hinahangad. Para rin kasi 'yang tinatawag na "fighting spirit". Basta ang tandaan lang natin na, tayong mga tao mismo ang gumagawa ng ating kapalaran. Kung malas ay malas at kung suwerte ay suwerte.

No comments: