Wednesday, October 22, 2008

Sa Piling Ni Tatay

Kay sarap pagmasdan ang pamilyang buo,andyan si tatay ang nag-iisang haligi ng tahanan,andyan si nanay anhilaw ng tahanan,syempre hindi mawawala ang mga anak.ang sarap isiping kompleto ang pamilya niyo masaya,nagmamahalan,nagtutulungan,sa hirap man o ginhawa sama-samang nararanasan.sa lungkot man o saya andyan ang bawat isa para dumamay.pero, naisip mo ba, na maaaring mawala ang lahat ng ito.pa'no isang araw ,pagdilat ng mata mo wala na si itay.parang isang bula na kay bilis naglaho,na kay bilis ng oras wala na pala siya.
Nakita mo nalang siya nasa kabaong na siya,parang huminto ang oras ng makita mo siya,parang gumunaw ang mundo,naghahalo ang tumatakbo sa isip mo. natulala sa isang tabi di mo namamalayan lumuluha na pala ang iyong mga mata.di mo matanggap wala na siya.
Naaalala mo pa ang mga araw na magkasama kayo,mga sandaling di nmalilimutan na kay sarap balikan.Ang amang lagi mong kasa-kasama ngayoy wala na .nangungulila sa kanyang pagmamahal.hina-hanap kanyang mga tinig.ngunit wag mangamba andyan si inay na siyang ilaw ng tahanan na laging handa upang dumamay.si inay ang nagpalakas ng loob ko.ang nagmulat ng aking mga mata.,upang di sumuko.nagpapasalamat ako kay inay dahil andyan siya sa aking tabi,alam kong nangungulila din siya sa pagmamahal ni itay.ngunit di niya ipinakita sa akin na pinanghihinana siya ng loob bagkus ipinakita niya na kaya niya.Si inay na ginampanan ang pagiging ama at ina maitaguyod lang aming pamilya.
Alam naman natin na hindi madaling mawalan na minamahal sa buhay pero kailangan nating ituloy ang hamon ng buhay at huwag mawawalan ng pag-asa dahil habang may buhay may pag-asa.

No comments: