Thursday, October 23, 2008

Meron Ba Talaga?

Madilim, makipot, mabaho, marumi at masukal. 'Yan ang kadalasang nakikita at nararamdaman sa loob ng isang selda. Sa loob nito ay nakakulong ang iba't-ibang uri ng tao. Nakakulong dito ang mga taong nagkasala at mga taong napagbintangan. Napagbintangan? Bakit nakakulong ang taong wala namang nagawang kasalanan? Bakit din namang may mga taong napakalaki ng kasalanang nagawa ngunit malayang-malaya? Masasabi pa ba nating may salitang hustisya?

Sa panahon natin ngayon, masasabi pa ba natin na batas ay isa pa ring batas kung laging mayayaman na lang ang nakikinabang nito? Sa ngayon kasi, hindi ang salitang hustisya ang nangingibabaw, kundi ang diskriminasyon ng mayaman laban sa mahirap. Halimbawa, ang isang taong mayaman ay may malaking galit sa isang taong mahirap, hahanap at hahanap ito ng paraan upang ito'y makulong kahit puro kasinungalingan lang. Kukuha siya ng mahusay na abugado para mapatunayan na may malaking sala ang mahirap. Samakatuwid, ang batas natin ngayon ay may pinapanigan at hindi pantay ang tingin sa mga tao.

Kung sa mata ng batas ay hindi pantay ang turing sa mga tao, sa mata naman ng Diyos, ang tao ay pantay-pantay. Walang mahirap at walang mayaman. Sa lahat ng mga kasalanan at sikreto ng isang tao ay alam Niya lahat. Siya na lang ang bahala sa taong kanyang pagpapalaain at hindi. Kung sa mata ng Diyos ay may hustisya, eh dit sa mundong ibabaw, meron bang hustisya? Meron ba talaga?

No comments: