Thursday, October 23, 2008

Mahirap ka man o Mayaman

Marami ang humihiling,humihingi, at sumisigaw ng kanilang hustisya.Lalung-lalo na sa mga taong nakakulong na wala naman talagang kasalanan na sila ang nagdurusa sas madilim at mabahong kulungan.Na merong naghihintayat mas nangangailangan sa kanya dahil siya lang anh naghahanap buhay para sa kanilang pamilya.Siguro nga hindi nila maipagtanggol ang sarili marahil walang pambayad sa manananggol.
Marahil isa pa dito ang kakulangan ng pangangasiwa ng pamahalaan para sa mga hakbang sa kaso .Minsan nangyayari pa nga ang hindi pantay na pagtingin sa mahirap at mayaman.Ngayon nga kapag marami kang salapi ikaw ang unang pakikinggan at higit sa lahat ika'y makapangyarihan.
Kailan nga ba makakamit ang tunay na hustisya?Bakit ba hindi pantay ang pagtingin ng batas sa mahirap at mayaman?Ilang henerasyon pa ba ang makakaranas ng ganitong sitwasyon?Dinggin ang daing ng mga mahihirap..

No comments: