Friday, October 24, 2008

Tayo’y maglaro na!Sama ka na!


Marami akong interes sa buhay pero isa lang ang napili ko nag paglalaro ng Badminton. Ang pangpalakasang larong ito ay kinakailangan ng lakas ng loob, lakas ng katwan at higi sa lahat ay ang utak. Mahirap din magalaro ng Badminton,nung una ay hirap na hirap ako pero nagsikap ako upang matutunana ko ito.

Natutunan ko mag laro nito sa aking kapatid, siya ay magaling maglaro ng Badminto. Siya nag inspirasyon ko sa buhay kaya nagpapatuloy pa rin ako sa paglalaro nito. Gusto ko kasing matalo siya pero mukhang marami pa akong bigas na kakainin.

Para sa lahat ng gusting maglaro nito, ipagpatuloy niyo lang, mag ensayo at magsikap pa ng husto. Tiyaga lang ang kinakailangan upang matuto ka ng larong ito.

No comments: