Friday, October 24, 2008

Tayo’y maglaro na!Sama ka na!


Marami akong interes sa buhay pero isa lang ang napili ko nag paglalaro ng Badminton. Ang pangpalakasang larong ito ay kinakailangan ng lakas ng loob, lakas ng katwan at higi sa lahat ay ang utak. Mahirap din magalaro ng Badminton,nung una ay hirap na hirap ako pero nagsikap ako upang matutunana ko ito.

Natutunan ko mag laro nito sa aking kapatid, siya ay magaling maglaro ng Badminto. Siya nag inspirasyon ko sa buhay kaya nagpapatuloy pa rin ako sa paglalaro nito. Gusto ko kasing matalo siya pero mukhang marami pa akong bigas na kakainin.

Para sa lahat ng gusting maglaro nito, ipagpatuloy niyo lang, mag ensayo at magsikap pa ng husto. Tiyaga lang ang kinakailangan upang matuto ka ng larong ito.

Altruism

Ano nga ba ang altruism? Ang altruism ay isang ugali na dapat matutunan ng mga tao. Ito yung ugaling pagiging hindi-makasarili. Pero hindi sa lahat ng oras ay dapat gamitin ang ugaling ito. Katulad na lamang kapag mayroong pag susulit pwede ka magbigay ng asgot pero hindi lahat, magulat ka na lang mastaas ang nakuha niyang marka kaysa sa sau.

Kung ako ang tatanungin ayoko na gusto ko ang ugaling ito sapagkat may mga taong ganito sakin pero kapag sila naman ay hindi ko man lang magawa ang ganito. Mahirap para sa isang tao kung papipiliin mo siya kung ang ugaling ito o ang kabaliktaran nito.

Sa mga taong may ugaling ito nag payo ko lagn naman na wag kayo masyadong maging hidi-makasarili kasi panigurado sa huli ikaw rin ang kawawa at panigurado ay aabusuhin ng mga taong mapagsamantala.

Mahahanap ko ba ito?

Hustisya? Ang tanong ko sa aking sarili,pantay ba ang tingin ng hustisya sa mga taong mayayaman at mahihirap.Para sakin hinding hindi pantay dahil lagi naman lamang ang mayayaman kasi may mga pera hindi katulad ng mahihirap.

Katulad na lamang ng isang taong mayaman ang nakapatay ng isang walang kalaban-laban na mahirap. Katulad ng mayayaman ngayon pera ang gagamitin upang sila ay makaligtas sa mata ng batas. Ito ang kanilang panangglan laban sa kaso at iba pa. Maraming mayayaman ang gumagawa ng ganitong gawain.

Hiling ko lang naman na sana matigil na ang ganitong gawain pero hindi magagawa yan kasi ako’y isang hamak na estudyante lamang ano ba ang laban ko as mga mayayaman. Sana matauhan ang mga taong nag papantay ng hustisya sanay hindi sila magpasilaw sa pera at mga bagay-bagay.

Kasama ba sa buhay natin ang mga ito!

Malas at Swerte, maraming tao ang swerte sa buhay at malas pero sino nga ba ang gumagawa nito ang Diyos ba o ang mga tao? Kung ako ang tatanungin ang mga tao ang gumagawa ng kanilang pagiging malas at swerte. Sa ibang tao naman daw ay kapalaran na raw talaga ang ganun. Yung iba nga may pamahiin pa na kapag may balat ka sa puwet ay malas ka.

Ang malas daw ng taong may balat sap wet lagi daw nagkakamali o kaya naman ay palpak yun ang sabi ng mga tao. Pero ako hindi ako naniniwala kasi ang tao ang gumagawa ng kanilang pagiging malas sa buhay. Kung maniniwala ka dito, mamalasin ka talaga.

Swerte, maraming tao naman ang swerte sa buhay may nanalo sa lotto, yung iba sa raffle at marami pang iba. Katulad din sa malas tao nag gumagawa nito sa buhay nila.Parehas akong hindi naniniwala sa malas at swerte,talaga lang nasa tao ang gawa.

Isang simpleng pamilya

Pamilya ang pinaka importanteng sangkap ng isang komunidad. Ito sangkap ng isang bansang maunlad ang isang simple at payak na pamilya. Ang pamilya ay binu-buo ni Nanay, Tatay, Ate, Kuya, at syempre ni Bunso. Bawat pamilya ay may sariling diskarte kung pano sila magsasama at mabuhay. Hindi maiiwasan sa isang simpleng pamilya ang hindi pagkakaunawaan lalo na sa mga magkakapatid, minsan sila’y nagkakainggitan sa mga bagay.

Sa isang simpleng pamilya nandyan ang mga problemang sumusubok sa tatag ng isang pamilya. May mga pagkakataon naman na lahat sila’y nagtutulungan upang masulusyunan ang isang problema at malampasan ito.

Ang ibang pamilya naman ya watak watak. Wala na si Nanay o kaya si Tatay matatwad pa bang isang pamilya kung kulang na miyembro nito. Para sakin ito’y matatawag pa ring isang pamilya ang kulang na dahil sa isip at puso ng nagmamahal sa kanila ay buhay pa rin sila.