Wednesday, October 22, 2008

"Agos Ng Kapalaran"

Naniniwala kaba sa "malas o suwerte"?Hindi niyo ba naiisip na kayo ang gumagawa ng mga bagay para malasin o suwertehin ka?!Pero marami sa atin ang naniniwala sa "agos ng kapalaran'.Marahil nakuha natin ito sa mga nakakatanda na masyadong mapamahiin at sa mga tradisyon natin.
Sa araw-araw napapansin at nakikita natin na maraming tumataya sa LOTTO na umaasang sa mga numerong pinipili nila sila'y mananalo.Kaya nga ang "buhay ay parang sugal" na minsan nananalo at minsan nama'y natatalo.At kung mabigo o matalo tayo huwag tayong susuko at mawawalan ng pag-asa.Ito'y pagsubok lang na kailangan bigyan ng solusyon upang malagpasan.
Ilan sa mga paniniwala ay kapag meron ka daw balat sa puwet ibig sabihin ika'y malas at kapag sa mukha naman ika'y suwerte.Kapag nunal naman sa kamay ikaw daw ay magastos sa pera,waldas na tao,walang pakundangan kung gumasta parang wala nang bukas.At kapag kuripot ka ikaw nama'y yayaman kasi mahigpit ka sa pera.Pero ang lahat ng ito'y pawang paniniwala lamang.

No comments: