Friday, October 24, 2008

Kasama ba sa buhay natin ang mga ito!

Malas at Swerte, maraming tao ang swerte sa buhay at malas pero sino nga ba ang gumagawa nito ang Diyos ba o ang mga tao? Kung ako ang tatanungin ang mga tao ang gumagawa ng kanilang pagiging malas at swerte. Sa ibang tao naman daw ay kapalaran na raw talaga ang ganun. Yung iba nga may pamahiin pa na kapag may balat ka sa puwet ay malas ka.

Ang malas daw ng taong may balat sap wet lagi daw nagkakamali o kaya naman ay palpak yun ang sabi ng mga tao. Pero ako hindi ako naniniwala kasi ang tao ang gumagawa ng kanilang pagiging malas sa buhay. Kung maniniwala ka dito, mamalasin ka talaga.

Swerte, maraming tao naman ang swerte sa buhay may nanalo sa lotto, yung iba sa raffle at marami pang iba. Katulad din sa malas tao nag gumagawa nito sa buhay nila.Parehas akong hindi naniniwala sa malas at swerte,talaga lang nasa tao ang gawa.

No comments: