Thursday, October 23, 2008

Ang Batang Basurero

Marami ngayong mga bata ay maagang nagtatrabaho na wala pa sa takdang edad upang makatulong sa pamilya.Nakikita natin sila sa lansangan na namamalimos at namumulot ng mga plastik na may hawak na sako na nararamdaman natin na hirap sila sa pagpasan sa balikat.Marahil sa kakulangan sa pera kaya hindi matugunan ng magulang ang kanilang responsibilidad na pagaralin ang anak.Ngunit nakasaad sa ating batas na kailangan na nasa paaralan sila ay nagsusulat,nagbabasa at may hawak ng lapis at aklat.Dahil may nakalaan na pondo sa kanila ang pamahalaan.
Pero kung tatanungin natin sila mas gusto pa nilang mamulot ng basura kaysa pumasok sa paaralan.Dahil wala silang makakain.Dagdag kita sa kanilang pamilya at pambili ng pagkain upang mawala ang kumakalam na sikmura.Siguro ang ganitong sitwasyon ay mahirap masugpo dahil sa pagbilis ng paglaki ng populasyon.

No comments: