Friday, October 24, 2008

Mahahanap ko ba ito?

Hustisya? Ang tanong ko sa aking sarili,pantay ba ang tingin ng hustisya sa mga taong mayayaman at mahihirap.Para sakin hinding hindi pantay dahil lagi naman lamang ang mayayaman kasi may mga pera hindi katulad ng mahihirap.

Katulad na lamang ng isang taong mayaman ang nakapatay ng isang walang kalaban-laban na mahirap. Katulad ng mayayaman ngayon pera ang gagamitin upang sila ay makaligtas sa mata ng batas. Ito ang kanilang panangglan laban sa kaso at iba pa. Maraming mayayaman ang gumagawa ng ganitong gawain.

Hiling ko lang naman na sana matigil na ang ganitong gawain pero hindi magagawa yan kasi ako’y isang hamak na estudyante lamang ano ba ang laban ko as mga mayayaman. Sana matauhan ang mga taong nag papantay ng hustisya sanay hindi sila magpasilaw sa pera at mga bagay-bagay.

No comments: