Wednesday, October 22, 2008

Pag-ibig ni totoy

Si totoy ay isang pangkaraniwang binata,katulad ng ibang teenager,siya ay labing siyam na taong gulang.nag-iisang anak at mahirap lamang sila,kung kayat nagtatrabaho siya para lang may mkain sila ng kanyang mga magukang.nagbebenta siay ng mga gulay na tanim nla sa likod bahayo kaya naman nagbebenta na mga nakolekta niyang basura,mga plastic o kaya namay mga bote at lata.
Nang minsang nagtitinda si totoy ng gulay nahulog ang loob niya sa isang dalaga si maria.ngunit hindi siya pinapansin ni maria kahit na nagmamagandang loob na si totoy hindi pa rin siya pinapansin nito.hindi naman kapangitan si totoy ,may maitim lamang siyang kulay ng balat.may mga nakilala ulit si totoy na mga babae katulad nga ng inaasahan niya hindi na naman siya papansinin ng mga ito.
Naisip ni totoy ang sinabi ng matandang babae na malas siya sa mga babae at hondi siya magkakaroon kailanman ng asawa.naisp niya na siguro tama ang sinasabi ng matanda na malas talaga.kung kayat nasabi niya sa sarilina hindi na siya lalapit kailanan sa mga babae maliban sa kanyang ina.pero sa di inaasahang pangyayari si totoy ay nasagasaan ng kotse,nasagasaan siya ni vamy ang pinakamayaman at maganda sa kanilang bario. dinala si totoy sa ospital.at tinanong ni vamy kung ano ang pangalan nito.para makabawi si vamy kay totoy kinuha niya itong driver, pero sa di inaasahang pangyayari nahulog ang loob nila sa isat-isa.naisip ni totoy na hindi niya kailangan maniwala sa sinasabi ng ibang tao.di nagtagal namuhay sila ng maayos at matiwasay.
wala nga namang makapagsasabi kung ano ang kapalaran ng isang tao.

No comments: