Wednesday, October 22, 2008

Ang Tahanan

Ang pagkakaroon ng pamilya ay kinakailangan paghandaan ng matagal na panahon hindi ito minadadali tulad ng ibang bagay dahil isa itong mabigat na responsibilidad.Hindi ka madaling sumuko sa lahat ng mga problemang auauungin niyo.Kailangan ng unawaan upang tumagal ang inyong pagsasama.Higit sa lahat mahal niyo ang isa't isa.
Kapag meron ka nang pamilya dapat alam mo kung anong responsibilidad mo sa tahanan .Kung ikaw ang "haligi ng tahanan',ikaw ang maghahanap buhay para sa iyong pamilya,ikaw ang magbibigay ng mga pangangailangan nilla at higit sa lahat ang maging modelo sa iyong anak.Kung ikaw ang "ilaw ng tahanan"'ikaw ang mag-aaruga sa inyong magiging anak,magluluto,maglalaba,magbibihis,ang mag-gagabay kapag ito'y nagsisimula nang maglakad.Kapag ito'y nasa paaralan na tuturuan mo siya sa kanyang takdang-aralin.Pagsisilbihan ana iyong asawa dahil pagod ito.At kung ikaw naman ang anak dapat sumunod ka sa itinuturo ng iyong ama't ina,mag-aral ng mabuti,huwag maing pasaway upang si ina'y di mahirapan.Ikaw ang inspirasyon ni itay.
kailangan pag-usapan ng mag-asawa kung ilan ang magiging anak nila upang hindi sila mahirapan sa pagpapalaki nito.isa pa mabibigyan nila ito ng magandang kinabukasan at makakapagaral ng maayos.mabibili yung mga pangangailangan ng pamilya.At higit sa lahat magkakaroon ng masayang pamilya sa tahanan na nassisinagan ng maliwanag na ilaw.

No comments: