Bawat tao sa mundo ay may kanya-kanyang hilig at interes. Dati, ang tanging hilig lang ng tao ay manood ng t.v. at makinig ng radyo. Ngunit ngayon, kasabay na ng mabilis na pagtakbo ng teknolohiya ang pagkabago ng hilig ng isang tao. Hindi lang manood at makinig ang hilig ngayon, nariyan na ang pagkahilig sa pagte"text", pakikipag"chat", at pagbukas ng "friendster". Kasabay din ngayon ang pangongolekta ng isang tiyak na bagay na hilig ng isang tao.
Tulad ng ibang tao, hilig ko rin ang mangolekta ng tiyak na bagay. Sa tutuusin, dalawang bagay ang aking kinokolekta. Ang mga bagay na ito ay may parehas na dahilan. Tungkol sa mga makabagong tugtugin ang aking hilig kolektahin; "song hits" at mga "cd" na naglalaman ng mga sunod sa uso na mga kanta. Hindi ko nga alam kung paano ako nahilig sa musika eh, samantalang ayaw naman sa'kin nito. Hehe. Napagtanto ko na lang sa sarili ko na kapag nakakapakinig ako ng mga magaganda at makabagong tugtugin ay pakiramdam kong ako'y nasa isang ulap na nakabitin sa hangin. Minsan kapag naiistres ako sa pag-aaral, binubuksan ko lang ang "music player" ko at gumagaan na ang aking pakiramdam. Mas lalong nagustuhan ko pa ang musika nang magkaroon ng isang kanta na tugmang-tugma sa karanasan ko. Ang kantang iyon ay tungkol sa pagiging mahiyain sa pagtatapat ng nararamdaman.
Lahat ng bagay ay may kahulugan. Lahat din ng bagay na aking kinokolekta ay may kahulugan at may natatagong alaala. Alaala na puwede kong madala kahit saan. Kaya kahit isa dito ang mawala, di ko mapapatawad ang sarili ko, pero sandalian lang 'yon. Ikaw? Ano ba ang kinokolekta mo?
No comments:
Post a Comment